Relatibong URL, media player at Hot Potatoes
Mga Depinisyon
Relatibong URL sa pagsusulit na Hot Potatoes
Ang relatibong URL ay madaling paraan ng pagtukoy ng mga larawan, tunog at bidyo sa isang pagsusulit na Hot Potatoes, dahil pinapahintulutan nito na matingnan at masubok ang pagsusulit sa isang lokal na PC, bago ito iaplowd sa site na Moodle. Kapag inaplowd na ang pagsusulit sa Moodle site, kailangan ding iaplowd ang mga multimedia na file, para magamit sila kapag ibinigay na ang pagsusulit sa pamamagitan ng Moodle.
Para sa seguridad, hindi pinapahintulutan ng Moodle ang direktang pagpasok sa mga file ng kurso. Lahat ng paghiling sa mga file sa isang ibinigay na kurso ay dadaan muna sa isang bantay na script, na tumitiyak na ang taong humihiling sa file ay nakaenrol nga sa kurso. Gayunpaman, maaring sirain ng mekanismong ito ang mga relatibong link na ginagamit sa pagsusulit, dahil hindi gumagana ang normal na patakaran sa paghinuha ng absolutong URL mula sa isang relatibong URL .
Simple lamang ang solusyon sa problemang ito: lahat ng relatibong URl ay kailangang ikumberte sa absolutong URL pagdating ng panahon na dumating na ang pagsusulit sa browser. Sa kaso ng pagsusulit na Hot Potatoes, ikukumberte ng Moodle ang mga URL, para hindi na mag-aksaya ng panahon ang mga tagalikha ng nilalaman sa matagal at malimit magkamaling gawain na ito.
Mga Media player sa pagsusulit na Hot Potatoes
May ilang media player na hindi tatangap ng media file kung nanggaling ito mula sa script na nagbabantay ng mga file ng kurso. Sa ganitong sitwasyon, kinakailangang palitan ang media player ng isa ng alam nating angkop sa Moodle. Magagawa mo ito sa sarili mo, sa pamamagitan ng pagbabago ng mga sanggunian sa mga media player sa pagsusulit, o pilitin ang Moodle na gawin ito sa pamamagitan ng paglalagay sa "Oo" ng "Ipilit ang mga media plugin" na opsiyon sa pahinang pangkaayusan ng pagsusulit.